| kung saan gusto nating lahat tumakas |
[24 Feb 2009|11:07am] |
|
 naghihintay ako sa airport nang makita ko ang exit sign na ito sa isang sulok ng parking lot. kinakalawang na at halatang napaglipasan na ito ng panahon. nakapwesto ito sa isang lugar ng parking lot na hindi mo nakinakailangan talgang malaman kung saang direksyon ang labasan, pero doon siya mismo nakabaon. isang bagay na tumutuligsa sa pagkaripas ng panahon. bakit ba kailangan lagi tayong pinapaalalahanan kung nasaan ang exit? sa lahat ng bagay kinakabitan ng exit: mayroong fire exit, mayroong exit only na daanan, at kahit mga pintong "entrance" ay may exit pa rin sa likod. punong-puno ng exit at labasan ang ating buhay. isa na ba itong uri ng escapism na nawawalan na tayo ng pagkaugnay sa ating lipunan? napakasarap kasi ng pakiramdam na kapag nababaon tayo sa problema ay may makikita kang malaking berdeng arrow na nagsasabing "exit". mas madaling pagdaanan ang mga paghihirap sa buhay kung may pulang glow-in-the-dark na karatulang sumusigaw sa iyo na "labasan". may gaan ng loob na kaakibat ng mga iyon dahil alam natin na kapag sinundan natin ang exit, makakatakas na tayo sa realidad ng buhay. makakatakas na sa lahat ng mga responsibilidad, panunungkulan, paghihirap, problema, pagdurusa, at kasalimuotan ng buhay. ano ba ang mapapala sa pagtakas na ito? hindi ba ito isa lamang bigong pagsisikap para hindi sagutin ang mga katanungang kinahaharap natin sa ating buhay? na dahil pumapalagi tayong parte ng lipunan, babalik at babalik tayo sa mga tinatakasan natin? ang realidad ay nabubuhay tayo. dapat ay tumigil na tayo sa pagmaang-maangan at kaharapin natin ang mga problema at paghihirap ng ating lipunan. sabi sa akin ng pari na ang mga sundalo ay dapat nasa giyera. hindi umaatras, hindi bumibigay. lumalaban ang sundalo dahil alam niyang may saysay at kahulugan ang kanyang gawain. handang mamatay ang sundalo dahil may pinaniniwalaan siyang mas higit pa sa sarili niya. ang hamon para sa atin ngayon ay magtulad tayo sa mga sundalo. sa pagkadami-dami ng mga exit na ating nakikita, matuto tayong umiwas sa mapanlinlang nitong kasagutan sa ating buhay at magsimulang sagutin ang mga tanong na makakapagpabago ng ating lipunan. ano ang maitutulong ko sa aking kapwa? paano ko mapapabuti ang pilipinas? bakit ako pumapayag na magkaroon ng corruption? ano ang maibibigay ko para sa susunod na henerasyon? sa pagsisikap na makahanap ng mga sagot ay tumutubo tayo bilang mga mamamayan, bilang mga tao. at sa pagtubo na ito nagsisimula ang pag-asa. at laging nakakatulong ang pag-asa. ♥ maligayang pagbalik sa mundo ng aking kathang-isip.
|
|
| without symbols, our lives are meaningless |
[31 Jul 2008|03:13am] |
what a difference a string of numbers make.
030032 confirmed my existence as a student. 1870 pinpointed my place in this world. 6973085 allowed me to reach out. 0133093 opened up new worlds. 0765317389 inspired be beyond my imagination. 3001068 is love. 263566595 made me a citizen.
|
|
| kung saan nauna ang sabado sa biyernes |
[11 Jul 2008|04:16pm] |
| [ |
mood |
| |
bored |
] |
| [ |
music |
| |
schatten - indy media |
] |
nagmula kay iame dahil hindi ko mapigilan ang ka-asteeg-an ng buhay.
♥ 1. Click here. The first random Wikipedia article you get is the name of your band.
2. Click here. The last four words of the very last quote of the page is the title of your first album. (If you want to do this again, you'll hit refresh to generate new quotes, because clicking the quotes link again will just give you the same quotes over and over again.)
3. Click here. Third picture, no matter what it is, will be your album cover.
4. Click here. The first ten links you end up in (minus the .coms) are your 10 song titles.
rakenrol!
band name: schatten - a nocturnal hallucination debut album: the most honest response album cover:
 featuring the smash #1 chart-topping hit single, indy media!
track list: 1. our times 2. in fact 3. milky elephant 4. art of the state 5. indy media <--hit single 6. flywheel arts 7. rather good 8. minty fresh 9. drevermor 10. i ate your microphone
♥ sana quit-your-day-job sikat na ako.
|
|
|
[10 Jul 2008|09:38am] |

lundag. dahil may pag-asa sa pagtataya.
|
|
| just like statistics |
[06 Jul 2008|11:41pm] |
|
well, sunday kind of sucked. pero i'm happy that things are working out.
|
|
| because radio works. |
[03 Jul 2008|11:55pm] |
tumutugtog ang radyo sa loob ng fx na sinasakyan ko papuntang opisina. nakatutok si manong driver sa "usapang balasubas at balahura" featuring chris-tsuper at nicole-hiyala. ang witty ng pangalan grabe. nagbibigay sila ng advice sa kanilang masusugid na taga-pakinig na nagtetext ng kanilang mga problema sa eskwela, trabaho, kaibigan, ka-ibigan, o sa buhay lang talaga. sa totoo lang, hindi naman talaga advice ang binibigay nila, tinatawanan lang nilang dalawa ang mga problema ng kanilang texters. tulad ng babaeng nagtext na nahuli siya ng kanyang nakababatang kapatid sa isang di-kanais-nais na posisyon kasama ng kanyang boyfriend. nag-isip lang si chris at si nicole ng mga posisyong nakakatawa at nakakahiyang mabisto ng iyong kapatid. great. hindi ko kailangang marinig ang wheelbarrow position ng alas-siete ng umaga, at salamat sa napaka-disturbing image na may kasama pa silang alaga. hindi nakakatulong. at nagpatuloy lang ang ka-tarantaduhan nilang dalawa sa loob ng isang buong oras, at lalo akong nababagot dahil traffic sa daan. hindi ako makababa para makatakas sa kanilang nakakarinding boses. nang malapit na silang umalis (salamat sa diyos) may nagtext na babae. nababagabag daw siya kasi siya ang tumutustos sa kanyang mga kapatid pero nabuntis siya ng kanyang boyfriend. na umalis papuntang saudi at hindi na babalik. at pinalaglag niya ang bata. hooray. laking gulat ko nang narinig ko si nicole na nagbigay ng magandang advice talaga kay texter. sinabi niya na kung talagang bumabagabag sa kanya ang mga nangyari, dapat siyang lumapit sa mga taong talagang makakatulong: counselor o pari. pinayo na sa mga problema na napaka-emotional, lalo na dahil may mga circumstances na nagpapabigat ng mga pangyayari, agad dapat lumapit sa mga taong makakapagbigay ng guidance sa kanila. wala sa kanila (chris at nicole) na sabihan siya ng kanyang mga pagkakamali sa buhay o i-abswelto siya sa kanyang mga kasalanan dahil sila din mismo ay makasalanan. hindi sila ang lalapitan para ma-itama ang mga mali, maituwid ang pagkabaliko, o mapuno ang pagkukulang. wow. namangha ako sa sinabi (medyo nakuha ko ng verbatim ang sinabi nila sa radyo, kaya wow talaga). at buong pag-aakala ko, lolokohin lang ulit nila ang texter. buti na lang. kahit papaano, natuwa ako sa ginawa nila.
|
|
| it's trust that builds communities |
[25 Jun 2008|01:16am] |
nawalan ako ng celfone. dinukutan ako ng katabi ko sa jeep kagabi habang pauwi ako galing trabaho. badtrip.
yung mga ganitong bagay talaga ang nakakapag-tanggal ng tiwala ko sa ibang tao. kung kelan iniisip ko na "hindi, mababait talaga sila at matulungin" tsaka ako mananakawan. nakakapagduda na tuloy ang lahat ng mga katabi ko sa biyahe, kasi baka biglang sila na ang susunod na magnanakaw sa akin. bakit ganun? paano tayo aasenso kung magkikimkim tayo ng pagkawalang-tiwala sa ating kapwa? hindi ito maganda.
tinatandaan ko na lang na mas kailangan niya ang celfone kaysa sa akin.
|
|
| niloloko mo lang ang sarili mo |
[19 Jun 2008|10:30pm] |
sabi ng fx driver na sinakyan ko: "paalala lang po, wala po tayong kalayaan. walang kalayaan, baka po may nalilito sa inyo." natakot ako bigla. paano kung tama talaga siya?
|
|
| nauubos ang panahon sa kaiisip |
[12 Jun 2008|11:40pm] |
|
"bakit ba kulay pula ang langit kapag malakas ang ulan?", tanong ng babaeng katabi ni jonas sa waiting shed habang nagpapatila ng ulan. "kaya ba sinabi na naggalit ang langit kapag ganito ang ulan?" "kasi nagre-reflect sa mga ulap ang sunlight at nakikita ng mata natin ang red wavelength ng sunlight." sagot ni jonas. "parang kaya blue ang langit kapag tanghali." "hindi nga? ang galing mo naman, alam mo ang mga ganitong bagay." napatigil si jonas. tumingin siya sa labas, kung saan patuloy na bumubuhos ang ulan. libu-libong patak ang bumabagsak sa lupa kada segundo. nilalamon ng lupa ang tubig-ulan para manatiling buhay, isip ni jonas. tinitigan niya ng matagal ang babae. ngumiti siya. "hindi, nagiging ganito lang ako kapag kasama kita. ikaw ang naglalabas ng pinaka-magaling na parte ko."
|
|
| kung kikindatan kita, ngingiti ka ba? |
[11 Jun 2008|10:48am] |
|
hm. mahirap simulan ulit ang isang bagay na matagal-tagal mo na rin hindi ginagawa. parang nakakapanibago ulit, na hindi sanay ang katawan mo sa gawain. haha. hindi pala lahat ng bagay sa mundo ay parang bisikleta. mahirap balikan, di tulad ng bisikleta. mas madalas ang semplang. bakit ko nga ba iyon nakalimutan? ♥ isa't kalahating buwan na rin akong nakabalik sa maynila. maraming nag-iba. maraming parang nag-iba. marami ring gustong mag-iba. nakakalito isipin kung alin ang mga talagang nagbago at alin ang binago lang ng pananaw ko. ♥ nagbago ang kwarto ko. sigurado ako doon, kasi kahit yung pintura sa dingding nagbago. nagkaroon ako ng trabaho. kailangan nang magsikap. tumaba na daw ako. nagkaron pa daw ng biceps. malamang niloloko ko lang ang sarili ko dito. naging responsable ako. himala! natutong maglaba. at magluto. at maglinis ng kwarto. at gumising ng maaga. naging tunay na "city" talaga para sa akin ang antipolo. may jollibee! mcdo! KFC! shopwise! fountain sa park! nagbago ang friendster ko. ♥ minsan iniisip kong magbisikleta nang malayong-malayo, yung sobrang layo na hindi ko na alam kung nasaan na ako. parang roadtrip, pero bike ang gamit. tapos kapag malayo na ako, titingin ako sa likod at tatamarin nang bumalik sa pinanggalingan kasi sobrang pagod na ako. pero gusto ko, kapag tumigil na ako, titigil ako sa mataas na lugar para pwede ko makita ang sunset. para ok lang na doon ako umupo at magpahinga, magtanggal ng pagod, at magpalakas. kasi maganda na doon, lalo na kung may punong pwedeng sandalan at silungan.
|
|
| dahil ang buhay parang isa lamang salita. |
[25 Dec 2007|09:30pm] |
| [ |
mood |
| |
confused |
] |
| [ |
music |
| |
something corporate - konstantine |
] |
430am. 25 december 2007. muli akong tumapak sa gulo at ingay ng manila matapos ang pitong buwan sa samar. weird ang feeling, para akong nasa twilight zone. parang hindi ako parte ng isang lugar na napaka-pamilyar sa akin. at hindi rin nakatulong na 18 oras akong naka-upo sa loob ng bus.
hindi ko mainitndihan ang nararamdaman ko ngayon. may parte sa akin na gustong-gustong yakapin at halikan ang lupa. pero may parte din sa akin na gustong tumakbo at bumalik sa samar. haha. weird. kakaiba ang pakiramdam, hindi ko masabi.
♥ weird din na dito ko sinusulat ang iniisip ko.
♥ pasko nga pala. merry christmas sa ating lahat.
|
|
|
[28 May 2007|01:11am] |
|
on a blog sabbatical until further notice.
|
|
|
[09 May 2007|10:38am] |
SAKSI news clip
panoorin hanggang sa dulo. may surprise ending!
|
|
|
[26 Apr 2007|10:17am] |
interpol - evil
rosemary, heaven restores you in life you´re coming with me through the aging, the fearing, the strife
it's the smiling on the package it's the faces in the sand it's the thought that moves you upwards embracing me with two hands
right will take you places yeah maybe to the beach when your friends they do come crying tell them how your pleasure's set upon slow-release
hey wait great smile sensitive to fate, not denial but hey who's on trial?
it took a lifespan With no cellmate ihe long way back Sandy, why can't we look the other way?
we speaks about travel yeah we think about the land we smart like all peoples feeling real tan
i could take you places do you need a new man? wipe the pollen from the faces make revision to a dream while you wait in the van
hey wait great smile sensitive to fate, not denial but hey who's on trial?
it took a lifespan with no cellmate the long way back sandy, wait why can't we look the other way? you're weightless; you are exotic you need something for which to care sandy, why can't we look the other way?
leave some shards under the belly lay some grease inside my hand it's a sentimental jury and the makings of a good plan you've come to love me lightly yeah you've come to hold me tight is this motion everlasting or do shudders pass in the night?
rosemary, heaven restores you in life
i spent a lifespan with no cellmate the long way back sandy, why can't we look the other way? you're weightless, semi-erotic you need someone to take you there sandy, why can't we look the other way? why can't we just play the other game? why can't we just look the other way?
|
|
| devil, satan, drugs, at saging (with culture) |
[18 Apr 2007|11:43pm] |
| [ |
mood |
| |
cultured |
] |
| [ |
music |
| |
jamiroquai- (don't) give hate a chance |
] |
ang saya pala pumunta sa opening ng bagong exhibit sa ateneo art gallery. nagpa-feeling cultured kami nina ph, miyo, xander, at meet-new-friends yaps at lester habang tinitingnan ang photo/video exhibit ni poklong anading(sp?). laugh trip lang talaga ang buong araw, mula sa panonood ng youtube, sa pagpasok ni xander sa fa dept, sa stickers at pagkain, hanggang sa pag-sign sa guestbook ng art gallery.
naintindihan namin ni ph ang saysay ng buong exhibit sa sampung segundo ng panonood ng video clip. napaka-obvious naman pala, at tawa kami ng tawa nang nakita namin iyon. nasa 24th minute, miyo. panoorin mo next time. matatawa ka sobra.
|
|
|
[17 Apr 2007|08:21pm] |
"pare, nalaman ni mr. estaco na nilagyan natin ng Quink yung chemistry project natin.."
yan ang nakasulat sa multiply invitation sa akin ng kaklase ko sa highschool. gumawa kasi kami ng organic ink mula sa dahon ng aloe vera para sa project namin sa chemistry noon. sa pagkatagal-tagal naming ginagawa yung ink, hindi siya kumukulay sa papel, kaya nilagyan namin ng india ink ang mixture namin at pinasa sa teacher namin. confident pa kami na hindi niya yun mahahalatang nilagyan namin ng tinta dahil sigurado kaming hindi niya buubksan yung bote ng orgnic ink namin. nakakamatay ang baho kasi.
tawa ako nang tawa nang mabasa ko ang message na yan. pagkatapos ng mahabang panahon, bistado rin pala kami ng lokong teacher namin.
|
|
| isang title na makabagbag-damdamin, para masaya |
[12 Apr 2007|10:42pm] |
| [ |
mood |
| |
kulay bughaw |
] |
| [ |
music |
| |
bombfunk MCs- freestyler |
] |
9 august 1996. tenth birthday ko noon, at nagkaroon ako ng party sa bahay. excited na excited pa ako kasi darating lahat ng mga kaibigan ko, maraming pagkain na masasarap, at syempre may matatanggap akong mga regalo. nakatayo ako sa may pintuan ng bahay at naghihintay na may dumating na mga bisita. nagulat na lang ako nang dumating ang mga kaklase ni utol. bakit sila nandito, hindi ko naman sila inimbitahan? nataranta ako nang abutan nila ako ng regalo. "happy birthday, miguel", bati pa nila. "salamat," sabi ko," happy birthday din sa iyo."
madaldal akong tao, at alam naman yata ng karamihan ito. mahilig ako magkwento, at marami akong kayang pag-usapan, at natutuwa ako sa sarili kong boses. pero madalas mangyari na nagsasalita ako nang hindi ko alam kung ano talaga ang sinasabi ko. parang dumederetso ang mga gusto kong sabihin deretso sa bibig ko nang hindi man lang dumadaan sa isip ko. kahit man lang magparamdam sana, pero hindi. kaya naman paminsan may nasasabi ako na mali, masama, o kaya naman ay talagang pagsisisihan ko. kadalasan, kapag nasabi ko na chaka ko lang maiisip na mali yata ang nasabi ko. napapangisi na lang ako sa mga ganung pagkakataon.
parang yung nasabi ko kay corrine, na ayaw ko na lang ikwento dito dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako kapag naaalala ko iyon.
mahirap din para sa akin na i-censor ang sarili ko, kasi ibig sabihin dapat akong maging sobrang aware sa lahat ng sinasabi ko. ang nangyayari tuloy, bumabagal ang pagsasalita ko, yung tipong kada apat o limang salita, titigil ako ng sandali. at minsan nakikita pang kumukunot ang noo ko na parang nagagalit. madalas itong mangyari kapag kinakausap ko ang magulang ko, at lalo silang naiirita sa akin dahil mukha akong galit sa sinasabi nila sa akin. hay, buhay. ako na nga ang umiiwas sa away..
matalas daw talaga ang dila ko, sabi ng mga kaibigan ko. kaya din siguro mas nahiligan ko ang magsulat, kasi sa pagsusulat mas madali mag-edit ng sarili. madaling magbura, magpalit, balikan ang mga nasulat na at baguhin. linyahan mo lang ng pitong beses ang isang salita at hindi na siya mababasa ng kahit na sino, at kampante ako na hindi ako nagkamali.
pero gusto ko bang burahin at ulitin ang mga nasabi ko? masarap din na nasabi na ang mga sasabihin, dahil may finality kapag binigkas na ito. tama man o mali ang nasabi ko, paninidigan ko ang mga ito. dahil nasabi ko na ito, tama ito para sa akin.
kahit na "happy birthday din" ang lumabas sa bunganga ko.
|
|
| navigation |
| [ |
viewing |
| |
most recent entries |
] |
| [ |
go |
| |
earlier |
] |
|
|
|
|